Part of our Christmas tradition is setting up the nativity scene which in locale called Belen, or sometimes Belen-belen (if it is small). I have been fascinated with nativity sets. Maybe, I inherited this interest to my uncle papa Ghandz. Since I was a child, I'm dreaming to have a big set, a life-size one. When the season is in, I am the one setting our belen-belen at home.
This was our last year's nativity scene. A tropical-inspired design. I used plywood scraps, decorative plastic artificial grass, and pebbles for this.
This year, a manger scene with brick-wall backdrop I painted. The roofing was made out of dried lemon grass.
a Merry Christmas!
Sunday, November 27, 2011
Saturday, November 12, 2011
Si Lola Pura at ang mga Power Rangers
Ako si Chaboy. Palayaw ko lang to ha. Chubby daw kasi ako kaya tinawag nila akong Chaboy. Sa totoo lang, hindi ko gusto ang tawag nila sakin. Pero nasanay na lang ako. Kilala niyo ba kung sino sa akin nagpalayaw? Ang nag-iisang Lola Pura ko. Mabait kaya yun si lola Pura. Kahapon nga, naglaro kami ng aking laruang Power Rangers. Siya ang nagpagalaw kina Pink at Yellow Rangers. Babae kasi sila e. Akin naman sina Blue, Black at ang paborito kong si Red Rangers. Kahapon ang kalaban nila ay si Captain Rabbit. Isa siyang alkansyang kuneho. Nasaktan si Red Ranger at Blue Ranger, buti na lang at umalalay si Pink at Yellow Ranger. Ang galing! Si black naman, natulog lang sa gilid. Buti na lang kalaro ko nun si lola Pura. Uy, may ikukwento ako sa inyo…
Noon kasi, nung bata pa si lola Pura, eh malakas pa siya noon, ang trabaho niya ay isang pulis. Oo, pulis! Ang galing ng lola ko no! Tsaka ang tawag sa kanya noon, PO1 Puridad Valencia. Kinwento sa akin ni lola Pura ang nangyari noon! Oo! May hinabol silang kapwa pulis, kasi yung pulis na yun, kriminal daw! May ginawa siyang masama kaya kelangang ikulong siya. Kaya, hinabol sila nina lola Pura at mga kasama niya, parang power rangers!
“Apo, kain na tayo. Gusto mo subuan kita? Nagluto ako ng lugaw at nilagang itlog.”
Opo lola Pura, papunta na po ako dyan.
Diba, ang bait ng aking lola. Gustong-gusto kong sinusubuan ako ng aking lola Pura. Ramdam ko kasi na mahal na mahal niya ko. Naalala ko nun, niligtas niya ko sa mga kamay ng aking magulang. Kasi, parang ewan sina mama at papa. Lagi silang nag-aaway. Kaya yun, kinuha ako ni lola Pura at siya na ang nag-alaga sa akin. Si mama umalis na pumunta nang Canada para magtrabaho. Si papa naman, hindi ko na alam kung asan siya. Sana nga si lola Pura na lang ang naging magulang ko, kasi siya, mapagmahal, maalaga, at kalaro ko rin siya ha.
Ang tunay ko nga palang pangalan ay, Carlo Serge V. Durano. Ako ay siyam na taong gulang. Tulad ng sinabi ko kanina, sa aking lola Pura na ako nakatira. Sinabi ko ba? Ay parang hindi naman, pero parang nasabi ko naman siguro. Sige, dun na muna ako kay lola, magpapasubo ako.
Tsaka nga pala, si lola Pura minsan, makakalimutin na. eighty-nine years old na kaya siya. Ay, mali, ilang taon ka na nga po lola?
“Ayti-eight pa lang ako apo. Kaw talaga, o, ihipan mo muna, mainit pa yan”
Hmm.. Ang sarap lola! Lola lagyan mo po ng konteng asin.
“Nilagyan ko na yan. Tama lang ang lasa nyan, o”
Pinawisan ako matapos ang ilang minuto.Wow, naubos ko ang gawang lugaw ng aking lola Pura. Sobrang sarap kasi e. Tuwang-tuwa ang aking lola sa akin. Minsan kasi, kapag gumagawa siya ng lugaw, e, hindi ko nauubos ang ipinaghain niya. Pero ngayon, simot na simot. Tsaka mas masarap kung sinusubuan!
“Apo, kunin mo nga yung gamot ko dun, sumasakit na naman ang dibdib ko.”
May sakit sa puso si lola Pura. Bawal siyang mapagod ng husto kasi baka maatake siya. Kaya agad-agad kong kinuha ang gamot na kanyang iniinom para wala sa kanyang mangyaring masama.
“O ayan apo, iinumin ko na ito, magiging Pink Ranger na ako.”
Humalakhak si lola. Nagawa pang magbiro bago inumin ang gamot. Sige po lola, inumin niyo na yan.
Alas otso ng gabi. Kanina lang e ipinagluto ako ng aking lola Pura ng masarap niyang lugaw plus itlog. Akala ko tulog na siya sa kuwarto. Yun pala, nagdadasal siya sa harap ng altar. Tahimik lang siya, suot niya ang salamin at scapular ni Mama Mary.
Tahimik ang gabi.
Nakakabinging katahimikan.
Binuksan ko ang black and white na telebisyon.
Puros langgam, walang palabas. Mukhang nagalaw na naman ang antenna.
In-off ko ang telebisyon.
Nakakabinging katahimikan muli.
Tahimik ang gabi.
Maya –maya, biglang sumigaw si lola Pura. Tumakbo ako kaagad sa kwarto.
Nakahandusay ang lola Pura. Hindi ko alam ang aking gagawin. Tumakbo ako papunta kina aling Rosa para humingi ng tulong.
Aling Rosa, Aling Rosa!! Si lola Pura po!
Dali-dali naming dinala si lola Pura sa center. Sabi sa amin, naatake si lola Pura. Patay na ang aking mabait na lola. Patay na ang aking kalaro; wala nang magpapagalaw kina Yellow at Pink Ranger. Patay na ang nagluluto ng paborito kong lugaw na may nilagang itlog; wala nang magsusubo sa akin. Patay na ang nagpalayaw sa akin. Wala nang mag-aalaga sa akin.
Matapos ang dalawang araw ay umuwi si mama galing Canada. Siguro siya na ulit mag-aalaga sa akin.
Masakit sa akin ang nangyari. Mahal na mahal ko si lola Pura. Tapos na ang lamay, ililibing na si lola Pura. Ipinasok ang puting kabaong sa nitso at nagsitabuyan ng mga bulaklak ang mga nakilibing. Umiiyak si mama. Pero ako, inialay ko sina pink at yellow rangers. Nagulat si mama sa ginawa ko.
“Ano ka ba? Bakit yung laruan ang isinaboy mo? Hindi laro-laro ang libing ng lola mo!”
Napagalitan ako ni mama - hindi niya kasi alam.
Paalam lola Pura.

Thursday, November 10, 2011
All new Burning Arts
I reviewed my blog posts and I summed it up. Fictions•Visuals•Culture•Self. Expect short stories and visual arts. Explore Pinoy/Bikolano/Albayano/Polangueno culture. This is my online diary and everything that are posted and to be posted are in the scope of my interests. Burning Arts; the fire is keep burning.
Subscribe to:
Posts (Atom)