biniyak ang niyog
sariwang sabaw ay tumilamsik
at sa pitsil isinalang, uminom.
katawang pawis na pawis
sa kalahating oras na pagbuhos
ng lakas ng braso, gigil ng kamao,
kayod ang halik ng inuupuan at bao
reserba ang isa, ang isa'y
isinalang sa talim.
lama'y ubod ng puti
kinudkod, kinudkod,
sinalo ng lalagyan
ang mga sapal na
magbibigay ng gata.
Upuang lapag sa lupa
halik ng bao
ang tunay na kasiyahan.
lakas,gigil, kayod ng maiapaw
ang dugo na kasintamis
ng halaga ng kalahating oras
na tagaktak ang pawis.
No comments:
Post a Comment