Matagal-tagal na rin akong gumagamit ng Facebook. At, parte na ng paggamit ko ng facebook ay mag status update. Yeah.
Kayo rin naman di ba? Masaya kasi mag status update. Lahat ng trip mong isigaw sa FB pwede. Sa aking patuloy na pagsusuri sa mga status niyo, mga kabagang, ay nakalikom ako ng 9 na breed ng status. Bahala na kayong magmuni-muni kung saan kayo sa wala. kung wala ka sa siyam, siguro yung mga status mo ay di ko trip. ;)
*Gawa-gawa ko lang ang mga example status.
UNA: PAG-IBIG STATUS
Tama ka! tungkol sa love ang mga status nila. Nandyan na yung... I (logo ng heart na maliit) you (pangalan na naka-tag.) Nandyan rin yung "buong araw kinilig ako kasama ko siya.. yeeddeeee." Basta ang mensahe niya ay may kurot ng pagmamahal, breed niya to. Kasama rin dito ang mga patama sa boyfriend/girlfriend! Example: "Napakainensitive, mamatay ka na! I HATE YOU BREAK NA TAYO?!!" O di ba. Yung mga LQ, papansinan sa minamahal, yung mga "pssssst... take care" mga ganyan ba.
PANGALAWA: TRIP TRIP LANG STATUS
Ito na yung mga wirdong status update. kasama dito yung smiley face, sad face, tuldok lang, meron din magbibilang lang, o kaya yung rock en roll (\m/).mga paulit-ulit na salita, yung lines sa lyrics ng kanta, o kaya yung buong lyrics, o kaya nandyan na rin yung mga nag-aambisyon, yung "kotse ko ay ferrari". Meron pa nga yung mga titik na di natin maintindihan, mga Chinese, minsan may nakita rin akong status na ang mga letters parang pang Saudi Arabia pero Pinoy siya. Mga sarkastikong mensahe na minsan ay napapa-like tayo dahil wala lang, kasi like natin. Maiikli ang ganitong status. Minsan naman nonsense, masabi lang na may status kasi sa oras na ito nagFB ako.
PANGATLO: MATALINGHAGA STATUS
Yes! Ala-Confucius si kabagang mo sa FB. Mga pilosopo, prinsipyo at mga moral lessons sa buhay. Nandito rin yung magqquote sa bible para magkaroon ako ng inspirasyon sa araw-araw. Seryoso ang mga ganitong status, ginagalang at dapat basahin. Masasabi kong isa ito sa mga kailangan nating mensahe para sa ating pang-ispiritwal na aspeto. Ito rin ay nagpapahayag ng mga karanasang lubos na tumatagos sa damdamin at konsensya. Ngunit ang nakakalungkot dito, konte lang ang nakakapansin sa mga ganitong satus. Nandito rin yung mga status na symbolic. Di mo alam may other meaning pala ang kanyang status, kaya ang skill na "reading between the line" ay kailangan.
PANG-APAT: UTOS STATUS
Ito yung mga pautos na mga status. Ginagamit ang status para sa transakyon sa eskwelahan, opisina, o kaya sa business.Nandito na yung "to all my classmates, please bring pencil and crayons tomorrow, ok?! sabi ni mam" Ang mga ganitong uri ng status ay may tiyak na mambabasa, minsan ay naka-tag siya o sila. Nandito rin yung, " if you are interested please pm me." Ang ganitong uri ng status ay likas na makapangyarihan, lalo na kung ang nagstatus ay ang iyong guro. Dahilan ito kung bakit ang ilan sa atin ay nagdadalawang isip kung magli-leave ng comment para magtutol o magtanong. Ang ilan naman ay magllike na lang para walang masabi ang nagstatus.
PANLIMA: NAPAPANAHON STATUS
Hindi ka nag-papahuli sa mga ganitong status. HAPPY BIRTHDAY (tag ang friend)!! HAPPY NEW YEAR!! MERRY xmas to ol!, Happy All saint's at iba pa. Siguradong ang comment sayo ay: Hapi new year, too. same to you. etc. (tinatamad na ko...)
PANG-ANIM: HALAKHAK STATUS
Tama ka na naman! oo, mga jokes at kung ano-ano pang nkakatawa. Basta nakakatawa, pasok ang status mo dito.
PAMPITO: DRAMA STATUS
yung mga emo-emohan naman dito. yung mga tipong "ang lungkot ko (sad wid tear face), wala na akong kaibigan" Babala lang, sa mga ganitong status, isipin ang kapakanan ng iyong kabagang na nagstatus ng ganitong uri. Mahirap na, baka suicadal stage na ang pagddrama niya sa buhay. Ang ilan ay nagllike sa ganitong status dahil nakaka-relate sila dito.
PANGWALO: BUHAY KO STATUS
"Maliligo na ko, i'll be back", "kakain na ko, masarap ang ulam!! yehey!!" o kaya, "off to USA!" lahat ng mga bagay na nangyayari sa iyong buhay ay diretsong ilalahad sa FB. Dito rin yung mga status n masyadong busy! "Thesis mode muna!", meron ding... "doing homeworks."
PANGSIYAM: GALIT STATUS
Ang ganitong klaseng status ay mainit. Minsan all caps ang mga letters. may mga mura, may mga patama, galit, nais maghiganti, badtrip, mareklamo. "ANO BA YAN!! NAKAKAINIS SA ROOM KANINA!!!" o "Sa pagsama mo sa kanila, nagmukha ka na ring basura!!!"
Iba-iba tayong mga tao, siguradong iba-iba rin ang mga nais nating ilahad. Pwedeng makita natin ang personalidad ng tao sa pamamagitan ng kanyang mga status updates. Ang mga nabanggit na breed ay ilan lamang sa maaari pang maiformulate na uri ng status.
first posted on Facebook Feb. 04, 2011
No comments:
Post a Comment