Sa buong buhay ko, marami na akong nakitang mga vandal. Karamihan ata ay mga pangalan. Pangalan yata ng mga sumulat o pangalan ng mga taong pinagtitripan ng sumulat. Kasabay nito ay ilang sikat na mga adjectives tulad ng pogi, ganda, pangit, ang baho at kung anu-ano pa. Meron ding mga action words, tulad ng mamamatay si, tumae si, etc. etc. Meron ding mga phrases at sentence tulad ng I love you, Ang nagbabasa nito ay kamukha ni madam Auring, F*ck you na may kasabay na drawing ng private part ng lalaki. Mga senswal na mga salita tulad ng **x tayo, ang itim ng p*ki mo, ang ikli ng ti*I ni Jose.. Haiz ang tao talaga. Hindi mapigilan ang init. Pati pa naman ang mga bagay na hindi dapat isapubliko ay ipinagsisigawan.
Meron din akong nakitang mga numbers. Mahilig ata sa math ang mga nagsulat. Merong akong nakitang 09156745400, text me, I’m hot. Meron ding 69 tayo, 1 is my paborito. 23 Jordan, doomsday in 2012, Setyembr (yan ang actual spelling ng nakita ko) 12, 1991 ang bday ni Carla Maroso, Happy Bday at marami pa… haiz..
Gloria sucks, erap resign, We love you Cory, Lozada, ang bagong Ninoy!!!, Oust BF MMDA, Neri resign!! At kung sinu-sino pang mga pulitiko ang makikita rin sa mga dingding ng Metro Manila. Ang saya di ba, ginawang free Ad space ang mga sinulatang pader.
Parte na yata ng kulturang pinoy ang pagiging makakati ang kamay at di mapigilan ang hindi kumuha ng bolpen o marker para sumulat ng mga walang kabuluhang bagay sa kung saan-saan. Vandalism. Ikinatutuwa ito ng ilan. Ikinaiinis naman ng karamihan. Ito ba ay isang problema? Oo. Malaking problema hindi sa mga gumagawa nito. Problema ito ng mga may-ari ng mga bagay na pinagsulatan ng mga malilikot na kamay. Ano kaya ang solusyon para hindi na lumaganap ang vandalism?
Isa lang ang pagpuputol ng kamay. Masakit pero dapat. Ito na yata ang pinakamagandang solusyon para mawala na sa mundo ang mga vandal. Paglalagari, palakulin, o gamitan ng grasscutter (yung blade na umiikot) ang ilan lang sa mga suhestiyon ko. Okey nga yun e. At least, hindi stone to death, o lethal injection ang paraan sa pagpaparusa sa mga taong ito.
Pwede ding huwag nang magproduce ng mga kahit anong bagay na pansulat, bolpen, marker, crayola man o mapachalk. Kung wala nag mga ito, walang vandalism. Pero papaano naman ang mga batang nag-aaral, mga empleyado at secretaries? Papaano pipirmahan ni GMA ang mga isinumiteng batas mula sa kongreso? Pano yayaman ang mga Chinese, ang number producer ng mga bolpen tulad ng HBW, Panda, Apache at iba pang mga swak sa budget na bolpen na kapag nahulog ay parang broken lines na ang sinusulat mo? Papaano na magsusulat ang mga doctor na sila lang ang nakakaintindi? Papaano gagawa ng mga libro, mag-iisketch, o magpapainting? Papaano na ang mga gumagamit ng spray paint? Papaano na ang ekonomiya kung wala nang pansulat s mundo?
Haiz, ito ang reality. At kailangan natin itong tanggapin. Whether we like it or yes, that’s our world and that’s our people. Bilang mga kabataan, dapat gawin natin ang tama at hindi puro mga kabulastugan. Payo ko sa mga nagvavandal, I admire you if you write something on your face, not on the wall. Pasalamat kayo hindi gumaganti ang mga pader o kung anu man ang mga pinagsusulatan niyo. Ayan o, malapit lang ata sainyo ang national bookstore o expressions. Dun, bumili kayo ng sangkaterbang papel at isulat niyo lahat ng nasa utak niyo. Discipline mga Tsong at mga tsang! Please, help Camsur a better place not making it a garbage can. Hindi ba kayo nahihiya sa mga germans, Americans o French na dumadalaw sa CWC? Buti pa sa hangin niyo na lang isulat ang gusto niyong isulat. Or, I suggest, kunin nyong course sa kolehiyo, Journalism.. Jan magdamag kayong magsusulat.
Panawagan ko sa gobyerno: ang mga taong vandal ay dumarami na. Sana huwag lang kayo magfocus sa mga drug addict. Bigyang atensyon niyo rin ang mga mamamayang walang disiplinang magvandal. Sana gumawa rin kayo ng rehab para sa mga vandal.
Sa mga pader o mga bagay na naging biktima ng karumaldumal na krimen, ipagpaumanhin niyo. Ako ay naaawa sa inyo. Condolence.
Sa mga mambabasa, ako po ay seryoso. Sana po ay namulat kayo sa mga pangyayaring ito. Kung naging vandal ka rin, hindi ka nag-iisa. Ginawa ko rin iyan. Pero ako ay nagsisisi at hindi na uulit muli. Sana kayo din. Para masaya.
(first posted on Facebook, August 29, 2009)
No comments:
Post a Comment