Friday, October 14, 2011

Farewell Speech/Valediction/SONA ni Pablo


"Yuy! Mga kaibigan sa ating barangay, musta na? long time no see ha?! Ano, laro tayo ng chess?

Sino nga ba si Pablo.

hindi ko akalaing mabibigyang buhay ko ang isang pagkataong malayong-malayo sa akin. Isang tambay na mayabang. Isang barumbado na walang ginawa sa buhay kundi makipaglaro ng chess sa tindahan ni Aling Ponyang buong maghapon. Siya si Pablo.

Halos apat na buwan din akong sinapian ng pagkatao ni Pablo. Mahirap gampanan ang ganitong karakter. Kilala ako ng marami bilang matinong tao, taliwas sa karakter ni Pablo. Magaling sa chess ang hamag na yun. Akalain mo ba naman, napagtanto nila ni Andres na bawat chess pieces sa nilalaro nila ay maaaring ihalintulad sa mga iba't ibang tao sa kanilang lipunan. Ang pawn na nagsisimbolo sa mga maliliit na tao sa lipunan, mga hain kumbaga. Ang horse, mga taong nawalan ng landas. Ang rook, mga taong malakas ang paninindigan at prinsipyo sa buhay. Ang bishop, mga taong walang pakialam kung may masagasaan sila sa kanilang palihis na buhay. Ang queen, ang makapangyarihan, at ang king, ang kulang sa gawa pero puro salita. Lahat nang ito ay nabigyan ng istorya. Si Pablo ay isa sa nagbigay daan para makita ng mga tao kung anong meron ngayon ang ating lipunan. Si Pablo, isang hamag na tambay, ay nakatulong mang-untog ng mga ulong nagtutulug-tulugan sa mabahong lipunan na kanilang ginagalawan. Si Pablo na isang hamag na tambay na nakatulong para sa ikabubuti ng mga laro ng buhay sa hinaharap.

Si Pablo ay isa sa mga karakter na likhang-isip nina Dal Motil, Mao Uvas at Wyn Cortez, ang nagsulat ng dulang Ma'te. Noong story conference pa lang at narinig ko na ang magiging dula namin ay iikot sa larong chess, bigla akong namangha at natuwa. Naalala ko kasi ang Harry Potter and the Sorcerer's Stone. Sa isip ko, magiging maganda ang aming dula at masasabi ko rin na ang dulang ito ay hindi lang mag-iiwan ng marka sa mga manonood, pati rin sa aming mga aktor na magbibigay buhay sa mga karakter na may kanya-kanyang personalidad.

Nung una ay gusto kong gumanap na isang karakter na magrerepesent sa isa sa mga chess pieces. Pero bukas naman ako kung ano mang karakter ang gagampanan ko. Sabihin na nating kung anong mabibigay sa akin ay isang hamon sa teatro. Assignment of Character- pinagpipilian para kung sinong karakter ang nararapat para sa akin, si Fernando na magsasaka o si Pablo na isa sa chess player. Sabi nila, pwede akong maging Fernando pero masyado akong malaki para masabing "maliit na tao sa lipunan". Naintindihan ko ang ibig sabihin nila. At naibigay nga sa akin si Pablo. Isang karangalan na gampanan ang isa sa mga "main stay" sa entablado.


"Huh! pumila lang! bumili ako ng slurpee! haha!"

Maligalig, masayahin, iritable, maraming kaibigan at laging basted pero mapagmahal.

Si Pablo ay maligalig. Akala niya siya ang laging bida at tama. Sa paglalaro nila ni Andres, hindi siya bilib sa mga sinasabi nito dahil alam niya na ang tama lang ay ang mga sinasabi niya.

Si Pablo ay masayahin. Sa mga maliliit na bagay agad siyang natutuwa. Mababaw ang kaligayahan ni Pablo.

Si Pablo ay iritable. Mabilis magalit si Pablo. Ayaw niya sa mga makukulit na bata.

Si Pablo ay maraming kaibigan. Kaibigan niya ang buong barangay lalo na ang mga taga-Zone 1 at Zone 3. Si Wilimburg na nagchampion sa inter-purok, na half-german half-pinoy, ay isa sa mga barkada niya.

Si Pablo ay laging basted pero mapagmahal. Si Jeniper ang nililigawan niya at inaasahang future gerlpren niya. Sa tuwing nakikita niya si Jeniper, siguradong buong araw niya ay maganda.

Hindi ko makakalimutan ang pagganap kay Pablo. Masasabi ko na tunay na kaibigan si Pablo kahit kathang-isip lang siya. Tinulungan niya kong tanggalin ang pagkamahiyain ko. Binigyan niya ko ng sapat na "confidence" at "self-esteem", sapat lang naman :D. Siguro hindi lang naman ako ang nagkaroon ng development sa sarili. Pati ang mga kasamahan ko, sigurado ganoon din sa kanya-kanya nilang karakter. Kaya nagpapasalamat ako, Berns Brijuega, kay Pablo ng Ma'te.

Sa mga nanood ng aming dulang Ma'te, maraming salamat po. Sa mga naging Jeniper at Wilimburg ni Pablo, maraming salamat po sa inyo kung sino-sino man kayo. Sa bumuo kay Pablo at Ma'te, maraming salamat. Sa B&W Entertainment salamat. Sa mga sponsors salamat. Kay Sir Vic Nierva na aming guro sa teatro, maraming salamat. Sa aking Panginoon, maraming salamat hanggang 4th floor ng Arrupe.

"Yuy! Salamat sa panonood ng laro namin ni Andres! huh! Paalam mga kaibigan sa barangay! EH DI AYOS!"

No comments:

Post a Comment